Kasama ang sektor ng Katutubo sa isinasagawang kilos-protesta sa harapan ng Senado upang ipanawagan ang pagpapanagot kay Bise-Presidente Sara Duterte
- Katribu Nasyunal
- Jun 1
- 1 min read
KASALUKUYAN | Kasama ang sektor ng Katutubo sa isinasagawang kilos-protesta sa harapan ng Senado upang ipanawagan ang pagpapanagot kay Bise-Presidente Sara Duterte.
Sigaw ng taumbayan: #SaraPanagutin! #BatoArestuhin! #MarcosSingilin!
Ang malawak na hanay ng mamamayang Pilipino ay nilulugmok ng lipunang malakolonyal at malapyudal sa matinding kahirapan, kagutuman, at kaliwa't kanang paglabag sa karapatang pantao. Ang mga lupang ninuno ay patuloy na dinadambong para sa tubo at gerang agresyon ng Estados Unidos; patuloy na inaagawan ng lupa ang Katutubong mamamayan. Ngunit ang mga nasa Senado at si Marcos Jr mismo, patuloy ang drama, tuloy-tuloy ang komedya, habang nananatiling inutil at walang silbi sa mamamayan.
Sa kabila ng mga ito, habang hindi napapanagot si Sara Duterte, nasa laya si Sen. Bato dela Rosa, at patuloy ang mga anti-mamamayang polisiya ni Marcos Jr.: umulan-umaraw man ay tuloy-tuloy ang laban ng mamamayang api at pinagsasamantalahan! ✊🏼















Comments