top of page

Pahayag ng Mansaway ukol sa Pax Silica

Writer: Katribu Nasyunal
Katribu Nasyunal
Sep 27
2 min read

September 11, 2026

Capas, Tarlac


Bel, isang Ayta Mag-indi, mula sa Mansaway
Bel, isang Ayta Mag-indi, mula sa Mansaway

Para sa aming mga katutubo, sagrado ang kabundukan dahil dito nagmumula ang lahat ng aming pangangailangan. Ang lupang ninuno ang aming palengke, dito nanggagaling ang aming pagkain pati na ang mga pagkaing kinakain ng mamamayan. Ang bundok rin ang aming pagamutan at paaralan. Kaya kaming mga Ayta ay malalim nang nakaugat sa aming lupang ninuno.


Pero dumaan ang maraming panahon, kinaharap naming mga katutubo sa Gitnang Luzon ang matinding krisis dulot ng malawakang pagpapalayas sa amin, kagutuman, at kahirapan. Mahaba naang kasaysayan ng pagpapalayas ng gobyerno sa mga Ayta para lang sa interes ng mga dayuhan at lokal na negosyante, pati na ng ibang mga bansa. Nandiyan ang Clark Air Base at Basa Air Base na dati nang mga lupaing ninano at ginawang baseng militar ng US noong araw. Napalayas man ng mamamayan ang mga tropang kano noong 1992, hindi na nito kailanmang binalik ang mga katutubo sa kanilang lupain. Sa Clark, binuksan pa nga itong Clark Freeport Zone para sa mga negosyante.


Kada taon din, dinaranas ng mga Ayta ang paglabag sa aming karapatan dahil sa taunang BALIKATAN exercises, na ginagwang training ground ang aming mga komunidad, lalo na sa Tarlac, para sa kanilang militar na ehersisyo.


Ngayon, balak nanamang bututin ang mga Ayta mula sa kanilang lupa para itayo ang Pax Silica ng gobyerno ng Amerika! Ang usapin ng Pax Silica ay usapin din ng sangka-Aytahan at mga mamamayan. Sa pagtatayo ng Pax Silica, lilimasin ito ang likas-yaman ng ating mga kabundukan. Bubutasin nito ang lupang ninuno sa Zambales para lamang sa nickel at copper mining, kakalbuhin ang mga kagubatan sa buong rehiyon para tayuan ng mga renewable energy projects tulad ng ginawa ng Aboitiz sa Olongapo at gagawin pa lang sa San Marcelino, at hihigupin ang mga ilog, sapa, at batis para lamang mapagana ang Pax Silica. Usapin din ito ng mamamayan dahil maluwag na hinahayaan ng gobyerno ng Pilipinas na manghimasok ang mga dayuhang investor pati na ang gobyerno mismo ng Amerika sa lupain ng Pilipinas hindi lang para sa negosyo kundi pati sa mga pasilidad militar!


Sabi nila, kaunlaran daw ito. Pero kaunlaran ba kapag kinukuha ang lupain ng mga katutubo, inaalisan ng tahanan, hanapbuhay, at karapatan? Hindi! Kung tatanungin lang kaming mga Ayta, ang kaunlaran ay kung saan mapayapa kaming naninirahan at nagtatanim sa aming lupang ninuno, at ginagalang ang aming karapatan sa sariling pagpapaysa.


Ipinapangako pa na magkakaroon daw ng maraming trabahe kapag naitayo ang

Pax Silica. Ang ibibigay nilang trabaho, construction, at pansamantala lamang.

Pero ang pagtatanim at pangangalakal ng mga produkto, habang buhay!


Kaya mula sa Mansaway, ang samahan ng mga Ayta sa Gitnang Luzon, nananawagan kaming: tutulan ang Pax Silica! Tutulan at labanan ang mga mapanirang proyekto sa rehiyon para lamang sa ganansya ng iilan. Ang tunay na kaunlaran para sa mamamayan ay kung mayroong lupang masasaka, llog at dagat na mapapangisdaan, komunidad kung saan kami payapang namumuhay, at kapag ginagalang ang aming karapatan.


Naniniwala kaming sa pinag sama-samang lakas ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, manggagawa, at mamamayan makakamit ang tagumpay! Likhain natin ang dagundong ng pagtatanggol ng lupang ninuno, sariling pagpapasya, kabuhayan, at karapatan!


No to Pax Silica!

Labanan ang mga pekeng proyektong pangkaunlaran!

Lupa, kabuhayan, at karapatan para sa mga Ayta, hindi Pax Silica!

Comments


CONTACT US

National Council of Churches in the Philippines
879 EDSA, West Triangle
Quezon City, Philippines
​​
Tel: 8555-0818
Email: information@katribu.net

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

© 2025 KATRIBU. All rights reserved.

FINAL Tangguyob DP.png

Follow Tangguyob, an innovative audio-visual platform dedicated to amplifying Moro and Indigenous Peoples' issues and campaigns in the Philippines, on Youtube & Tiktok!

  • YouTube
  • TikTok
bottom of page