ALERTO: Ilegal na inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang mga Ayta na nagbarikada sa Mt. Pinatubo
- Katribu Nasyunal
- Apr 23
- 1 min read
ALERTO: Ilegal na inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang mga Ayta na nagbarikada sa Mt. Pinatubo nitong mga nakaraang araw. Mapayapa lamang na iginigiit ng mga Ayta ng Sitio Tarukan, Capas, Tarlac ang pagkakaroon ng patas na kompensasyon sa gitna ng mapagsamantalang turismo.
Ipinadala sa Katribu ng concerned citizen ang bidyo upang ibunyag ang naganap na karahasan noong April 18. Ayon din sa kanya, armado ang mga nang-arestong pulis.
Nakagagalit na ganito ang tugon ng kapulisan sa paglaban ng mga Ayta para sa kanilang kabuhayan. Mariin naming kinokondena ang ginawang ilegal na pag-aresto at nagpapatuloy na pananakot at harasment ng PNP sa komunidad. Bagama’t pinalaya sila sa parehong araw, ayon sa concerned citizen, hindi dapat naging biktima ang mga Ayta ng ilegal na pag-aresto. Hindi krimen ang pagtatanggol sa batayang karapatan.
Bilang kanilang mandato, dapat agarang tugunan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang paglabag sa karapatan ng mga Ayta at sumandig sa mga biktima.
Nanawagan kami sa publiko na manindigan kasama ang mga Ayta. Tumindig kasama ang mga Katutubo!
(THIS IS A DEVELOPING STORY)
Comments