Ayta Day: "Mansaway tungo sa lupang ninuno, kabuhayan, at karapatan!"
- Katribu Nasyunal
- Aug 12, 2025
- 1 min read
Nakiisa ang Katribu Kalipunan ng Katutubong Mamamayan sa Pilipinas nitong ika-9 ng Agosto sa Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo kasabay ng Ayta Day sa Floridablanca, Pampanga na may temang, “Mansaway tungo sa lupang ninuno, kabuhayan, at karapatan!”
Sa araw na ito ginanap ang kauna-unahang pagtitipon-tipon at asembliya ng Mansaway! (tawag ng mga Ayta sa kanilang sigaw ng tagumpay), isang organisasyon ng mga Ayta sa Gitnang Luzon, na naglalayong ipagtanggol ang lupang ninuno, karapatan sa sariling pagpapasya, at tradisyon. Dito itinalaga ang mga coordinator na mga Ayta sa bawat probinsya sa buong rehiyon.
Nagbigay din ng isang diskusyon ang Katribu bilang pambansang alyansa ng organisasyon ng mga katutubo sa Pilipinas at Kabataan para sa Tribung Pilipino patungkol sa epekto ng neoliberalismo. Dito naibahagi ang epekto ng mga pang-ekonomya at pampulitikang batas, at polisiya ng gobyerno sa mga karapatan, kultura, kabuhayan, at pumumuhay ng mga katutubo. Iniugnay din ito sa lokal na isyu na kinakaharap ng mga Ayta sa iba’t ibang lugar gaya ng quarrying, pagmimina, landfillls, demolisyon, ekoturismo, at maging ang balikatan exercises.
Pinagpupugayan ng Katribu ang lumalakas na organisasyon ng mga katutubong Ayta sa Gitnang Luzon. Sa gitna ng tumitinding atake ng estado sa mga katutubo sa buong bansa, ito ay manipestasyon ng patuloy na pagtindig ng mga katutubo laban sa imperyalistang pandarambong sa lupang ninuno at sariling pagpapasya.




























Comments