top of page

Katribu protests railroading of Sara duterte's impeachment proceedings

Kalahok ang sektor ng pambansang minorya sa isinagawang indignation protest kaninang umaga sa Commission on Human Rights bilang mariing pagtutol sa desisyong inilabas ng Korte Suprema na ipatigil ang impeachment proceedings laban kay Bise Presidente Sara Duterte.



Ang desisyong ito ng Korte Suprema ay garapalang pagtraydor sa mamamayang Pilipino na matagal nang nananawagan ng pananagutan sa pag-abuso ni Sara sa pondo ng bayan at iba pa niyang kasalanan sa taumbayan. Lalo nitong binibigyan ng proteksyon ang mga tulad ni Sara Duterte at Bongbong Marcos—mga nasa kapangyarihang patuloy sa pandarambong, pangangamkam ng lupang ninuno, at panunupil sa karapatan ng mga Moro at Katutubo.


Hindi rin ito simpleng usapin ng legalidad—ito ay usapin ng hustisya. Para sa mga Lumad at iba pang mamamayang Katutubo, ang kawalang pananagutan ni Sara Duterte ay sumasalamin sa patuloy na panunupil at pagkakait sa karapatan sa sariling pagpapasya. Mula sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Davao City hanggang sa pagiging bise presidente, ipinasara niya ang mga eskwelahang Lumad at isinulong ang kampanya ng red-tagging at militarisasyon sa mga komunidad ng mga Katutubo.


Kaya walang makakapigil sa mamamayang naghahangad ng pananagutan at katarungan. Convict Sara Duterte now! Baliktarin ang desisyon ng Korte Suprema! Marcos, Singilin!


Comments


CONTACT US

National Council of Churches in the Philippines
879 EDSA, West Triangle
Quezon City, Philippines
​​
Tel: 8555-0818
Email: information@katribu.net

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

© 2025 KATRIBU. All rights reserved.

FINAL Tangguyob DP.png

Follow Tangguyob, an innovative audio-visual platform dedicated to amplifying Moro and Indigenous Peoples' issues and campaigns in the Philippines, on Youtube & Tiktok!

  • YouTube
  • TikTok
bottom of page