Repleksyon ni Niezel Velasco mula sa pakikipamuhay sa mga Ayta para sa paghahanda sa selebrasyon ng Ayta Day noong Agosto 10, 2026
Ang pagtindig sa karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya para sa mga Katutubo ay hamon na aralin ang lipunan.
Ang paglalakbay sa buhay sa gitna ng masalimuot na daan ay puno ng mga aral. Sa bawat pag-apak sa lupa at paghakbang pasulong, bawat sandali ay katumbas ng pagpatak ng orasan. Ang pagkamit ng pangarap na mabuhay nang malaya ay nangangailangan ng kahandaan at katatagang harapin at malampasan ang mga hamon ng buhay.
Masalimuot ang buhay na tinatahak, ngunit nagsilbi itong bukal ng mga aral at gabay na naging bahagi ng kasaysayan—isang buhay na puno ng pag-asa. Mga aral na hindi kailanman malilimutan: ang simpleng pamumuhay at pagkakaroon ng paninindigan para sa kinabukasan.
Ang kahandaan sa sarili at pagtanggap sa kalagayan ng masa ang magpapatibay sa kolektibong pakikiisa tungo sa tunay na pagbabago sa lipunan.
Sa mga karanasan sa kabila ng pagkalayo sa pamilya, may mga araw na nalulungkot at nag-aalala ako sa kanilang kalagayan. Ngunit naging matatag ako dahil sa mga aral at hamon ng pakikipamuhay sa mga Katutubong Ayta. Ang mga karanasan ko sa pakikipamuhay sa Katutubong Ayta ay hindi naiiba sa mga nararanasan ko kasama ang mga Katutubong Lumad. Magkaiba man sila ng tribu, walang kaibahan ang dinaranas nilang kahirapan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri.
Kung ang mga magsasaka ay walang lupa, ang mga Katutubo naman ay inaagawan ng lupang ninuno para sa mga proyektong pangkaunlaran na iilan lamang ang nakikinabang. At ang pinakamasakit isipin, sila pa ang pinapalayas sa sarili nilang komunidad.
Sa isang buwang pakikipamuhay ko sa komunidad ng mga Katutubong Ayta, nasaksihan at naramdaman ko ang kanilang pangamba sa mga taong hindi nila kilala o hindi kabilang sa kanilang tribu. Tinatawag nilang “unat” ang mga taong may tuwid na buhok, bilang pagkakaiba sa karaniwang kulot na buhok ng mga Ayta, na nangangahulugan ding taga-labas ng kanilang komunidad.
Katuwang namin ang isang kakilalang Katutubong Ayta sa pag-iikot sa mga komunidad upang ipaliwanag ang aming layunin: na tipunin ang mga Katutubong Ayta upang ipagdiwang ang buwan ng Agosto bilang Pandaigdigang Buwan ng mga Katutubo at gunitain ang makasaysayang pakikibaka para sa karapatan sa lupa at sariling pagpapasya.
Kung bakit sila takot sa mga “unat”? Mahaba ang kasaysayan ng kanilang tribu ng pagharap sa pandarambong sa likas na yaman at panlilinlang ng mga mapagsamantalang uri. Naranasan nila ang pagkasira ng kanilang mapayapang pamumuhay sa komunidad at patuloy na paglabag sa kanilang mga karapatang pantao.
Ang buhay at karanasan ng mga Katutubo ay isang hamon na unawain at pag-aralan ang kanilang ekonomiya, pulitika, at kultura. Mahaba at masalimuot ang kasaysayan ng pang-aapi na pinagdaanan ng kanilang komunidad, kaya hindi nakapagtatakang hanggang ngayon ay may pangamba sila sa mga taong hindi nila kilala. Dahil dito, kailangan ng panahon at pag-unawa upang unti-unting mabuo ang kanilang tiwala at maipakita na hindi lahat ng mga “unat” ay may masasamang layunin laban sa mga Katutubo.
Sa mga natutuhan ko sa kanila, nakita ko kung gaano sila kasaya kasama at kung paano sila nagtutulungan sa mga gawain sa komunidad. Kung ano ang mayroon ang isa, pinakikinabangan at ibinabahagi rin ng lahat. Pantay ang kanilang pamamahala at pakikitungo sa isa’t isa. Kapag napalapit ka na sa kanila at naging panatag na ang kanilang loob sa isang “unat”, mararamdaman mo ang kanilang tiwala at pag-aalaga. Kahit sa gitna ng gipit na sitwasyon, hindi ka nila pababayaan at handa silang ipagtanggol ka.
Sa mga kasama na naging bahagi ng pakikipagsalamuha at pakikiisa sa laban ng mga Katutubong Ayta, pagsaludo! ✊ Sa mga panahong nahihirapan tayo, lagi nating isipin ang mga tagumpay na nakamit natin. Sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, nalagpasan natin ang mga ito bilang unang hakbang pasulong at pagsasanay sa sarili para sa mga hamon na darating.
Masaya at natutuwa ako na naging bahagi kayo ng aking paglalakbay sa buhay. Nararamdaman at nararanasan ko ang mahigpit at kolektibong pagtutulungan sa mga gawain, higit sa lahat ang kahandaan sa sarili na yakapin at tanggapin ang simpleng pamumuhay sa komunidad ng mga Katutubo. Marami akong natutunan mula sa mga kasama at sa masa. Hindi matatawaran ang mga aral na natutunan ko mula sa mga Katutubong Ayta.
Sa lahat ng ating nararanasang kasiyahan, pagod, pagkabasa sa ulan, at lungkot, walang naiiwan, lagi tayong magkakasama at nagkakaramay. Dahil alam natin na ang pagkamit ng tagumpay ay nasa ating mga kamay. Ang susi ay magtiwala at sumandig sa masa.
English translation:
Standing up for the rights of Indigenous Peoples to ancestral land and self-determination is a challenge that calls on us to understand and study society.
The journey through life may take us along difficult and complicated paths, but it is also filled with lessons. With every step we take and every step forward, we learn from each moment and experience. Achieving the dream of living freely requires readiness and the strength to face and overcome life’s challenges.
Life’s journey can be difficult, but it has provided me with lessons and guidance that have become part of my history: a life filled with hope. These are lessons that I will never forget: the value of living simply and standing firm for the future.
Being prepared and understanding the conditions of the masses strengthen our collective solidarity toward genuine change in society.
Being away from my family was not easy. There were days when I felt sad and worried about how they were doing. But I remained strong because of the lessons and challenges I encountered while living alongside the Ayta communities in Zambales. My experiences with the Ayta are not different from those I have had with the Lumad in Mindanao. Though they belong to different groups, the poverty and exploitation they experience at the hands of the ruling classes are the same.
If farmers have no land, Indigenous Peoples, meanwhile, are being deprived of their ancestral land for development projects that benefit only a few. And the most painful thing is that they are the ones being driven out of their own communities.
During my month-long stay in the community of the Ayta, I witnessed and felt their apprehension toward people they did not know or who were not part of their community. They call people with straight hair “unat,” distinguishing them from the Ayta’s naturally curly hair. The term also refers to people from outside their community.
We were accompanied by an Ayta acquaintance as we went around the communities to explain our purpose: to gather the Ayta communities to celebrate August 9 as the International Month of the World’s Indigenous Peoples, and commemorate the historic struggle for the rights to ancestral land and self-determination.
But why are they afraid of the “unat”? Their community has a long history of experiencing the plunder of their natural resources and deception by exploitative classes. They have experienced the destruction of their peaceful way of life in their communities, as well as continuing violations of their human rights.
The lives and experiences of Indigenous Peoples challenge us to understand and study their economy, politics, and culture. Their community has a long and complex history of oppression, so it is understandable that they continue to feel apprehensive toward people they do not know. Because of this, it takes time and understanding to gradually build their trust and show them that not all “unat” have ill intentions toward Indigenous Peoples.
From my experiences with them, I learned how joyful they are to be with and how they help one another with the tasks in their community. Whatever one person has, everyone shares in and benefits from it. Their leadership is based on equality, and they treat one another equally. Once you become close to them and they become comfortable with an “unat,” you can feel their trust and care. Even in difficult circumstances, they will not abandon you and are ready to defend you.
To all the companions who have become part of our shared experiences and solidarity in the struggle of the Ayta, salute! ✊ In times when we face difficulties, let us always remember the victories we have achieved. Amid life’s challenges, we have overcome them as our first steps forward and as preparation for the challenges that lie ahead.
I am happy and grateful that you have become part of my journey in life. I have felt and experienced the strong spirit of collective cooperation in carrying out community tasks, and above all, the readiness to embrace and accept the simple way of life in an Indigenous community. I have learned so much from my companions and from the masses. The lessons I have learned from the Ayta are beyond measure.
Through all the joy, exhaustion, getting soaked in the rain, and sadness that we experienced, no one was left behind. We remained together and supported one another because we know that achieving victory is in our own hands. And the key to that is to trust and rely on the masses.




Comments