Sigaw ng Katutubo, Bangsamoro, at advocates: Ituloy ang impeachment ni Sara Duterte! Sara Litisin! Panagutin! Patalsikin!
- Katribu Nasyunal
- Jun 11
- 1 min read
Kasama at nakiisa ang hanay ng Katutubo, Moro, at advocates sa kilos-protesta kanina sa harapan ng Senado para sa agarang pagpapatalsik at pagpapanagot kay Sara Duterte. Kailangang ituloy na ang impeachment, at litisin si Sara sa kaniyang mahabang listahan ng kasalanan sa taumbayan, kasama na dito ang paglulustay ng pera ng bayan na dapat sana ay napupunta sa batayang serbisyong panlipunan.
Kaya naman tuloy-tuloy ang ating pagpapanawagan laban sa korapsyon, katiwalian, at kawalang pananagutan. Sumama sa pagkilos bukas sa People Power Monument at sama-sama nating isigaw: Convict Sara Now!
Comments