top of page

Sigaw ng katutubo: impeach marcos jr!

  • Writer: Katribu Nasyunal
    Katribu Nasyunal
  • Jan 22
  • 1 min read

Kasama ang Katribu at sektor ng pambansang minorya ngayong January 22 sa House of Representatives upang igiit ang impeachment laban kay Marcos Jr. Mahaba ang listahan ng kaniyang kasalanan sa mga Katutubo, at pangunahin ang kaniyang pangunguna sa korap na sistema at walang patumanggang paglabag sa karapatang pantao.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang kaban ng bayan ay inililihis sa pasistang militarisasyon sa halip na tunay na serbisyong panlipunan. Bilyon-bilyong piso ang nilulustay sa mga pekeng flood control projects, overpriced na farm-to-market roads, at iba pang proyektong nagsisilbi lamang sa interes ng mga kurap na pulitiko. Nagkakamal ng yaman ang mga burukrata-kapitalista habang ang mga Katutubo ay lalo pang nilulugmok sa kahirapan.


Bilang Commander in Chief, direktang pananagutan ni Marcos Jr. ang militarisasyon, pagbobomba, at sapilitang pagpapalayas sa mga komunidad ng Katutubo. Sa ilalim lamang ng kaniyang pamumuno, may hindi bababa sa 14 na naitalang aerial bombings sa mga lupang ninuno, na nagdulot ng pagkamatay, pagkawala ng kabuhayan, at malawakang dislokasyon ng mga komunidad. Pinopondohan ang mga krimeng ito ng napakalaking badyet ng AFP sa 2025 na umaabot sa ₱75 bilyon—₱35 bilyong programmed at ₱40 bilyong unprogrammed funds—na ginagamit sa operasyong militar sa halip na sa kapakanan ng mamamayan.


Ang pasismo at korapsyon ay magkatuwang: ang dahas ng estado ang nagpoprotekta sa pandarambong, at ang pandarambong ang nagpapalakas sa pasismo. Habang nalulunod ang bayan sa kahirapan, mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin, at krisis sa klima, lantad ang luho at kasaganahan ng pamilyang Marcos.


Hindi karapat-dapat si Marcos Jr. na manatiling pangulo. Panagutin ang nasa tuktok ng sistemang mapang-api at mandarambong. Impeach Marcos Jr.! Impeach Sara Duterte!


 
 
 

Comments


CONTACT US

National Council of Churches in the Philippines
879 EDSA, West Triangle
Quezon City, Philippines
​​
Tel: 8555-0818
Email: information@katribu.net

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

© 2025 KATRIBU. All rights reserved.

FINAL Tangguyob DP.png

Follow Tangguyob, an innovative audio-visual platform dedicated to amplifying Moro and Indigenous Peoples' issues and campaigns in the Philippines, on Youtube & Tiktok!

  • YouTube
  • TikTok
bottom of page