MANGYAN DAY 2025 HIGHLIGHTS 🏞️🌿
- Katribu Nasyunal
- Apr 17
- 1 min read
Ipinagdiwang ng iba’t ibang mga komunidad at organisasyon ang Mangyan Day 2025 noong nakaraang Abril 10 sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Muli kaming nagpapasalamat at nagpupugay sa Repungpungan Amaya Iraya Pag Abra de Ilog (RAIPA) sa matagumpay na pangunguna sa selebrasyon. Kaisa kami sa inyong layunin na higit pang palakasin ang pagkakaisa ng mga Mangyan at ang pagpapatatag ng mga panawagan ng komunidad.
Ibinahagi rin ng mga Mangyan-Iraya mula sa Sitio Malatabako ang kanilang naranasang paglabag sa karapatang pantao bunsod ng pang-aagaw ng lupa ng Pieceland Corporation. Noong nakaraang taon, inaresto ng private security agency ng Pieceland Corporation at ng Abra de Ilog Municipal Police Station ang 30 Mangyan-Iraya mula Sitio Malatabako, kung saan 15 ay mga menor de edad. Kinasuhan din sila ng iba't ibang gawa-gawang kaso. Bagamat sila ay nakalaya, ito ay sa pamamagitan ng piyansa.
Nananawagan ang RAIPA at ang iba’t ibang komunidad ng Mangyan-Iraya sa Abra de Ilog na tulungan silang itambol ang mga nararanasang paglabag sa kanilang karapatang pantao at karapatan sa lupang ninuno, bunsod ng pagpasok ng iba’t ibang mapaminsalang proyekto. Ayon sa mga isinagawang konsultasyon kasama ang iba’t ibang komunidad, hindi lamang Pieceland Corporation ang sangkot sa pang-aagaw ng lupa, kundi marami pang iba sa anyo ng mga dam, eko-turismo, at pagmimina.
Makiisa tayo sa laban ng kapatid nating mga Mangyan. Makiisa tayo sa pagdepensa ng lupang ninuno. Makatwiran ang ating paglaban!
Комментарии