top of page

Mensahe ng Pakikiisa sa Kampuhan ng mga Magsasaka ng Gitnang Luzon

Matatag na nakikiisa ang Katribu Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas sa mga magsasaka sa laban para sa tunay na reporma sa lupa. Tulad ng mga magsasaka, ang mga Katutubong mamamayan ay nagbubungkal ng lupa at umaasa rito para sa ating ikabubuhay at pagsulong ng ating kultura, identidad, at sariling pagpapasya. Kapwa magsasaka at Katutubo ay biktima ng walang habas na pang-aagaw ng lupa, land use conversion, at sapilitang pagpapalayas na ginagawa ng estado sa ngalan ng "kaunlaran" na nagsisilbi lamang sa interes ng mga dayuhang korporasyon at mga proyektong suportado ng elitistang estado.


Sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr., mas tumindi ang pang-aagaw ng lupa. Patuloy tayong pinapalayas sa aming mga komunidad upang magbigay-daan sa mga proyektong pang-imprastraktura, plantasyong pang-agribisnes, proyektong pang-enerhiya, at malalaking operasyong pagmimina nang walang pagkilala sa aming karapatan sa Free, Prior, Informed Consent (FPIC). Hindi lamang ito pag-atake sa aming karapatan sa lupa—ito ay pag-atake sa aming karapatan bilang mga Katutubo. Ang nagpapatuloy na mga pang-aagaw sa lupa sa Gitnang Luzon, Mindanao, at iba pang bahagi ng bansa ay nagpapakita ng malalim na inhustisya sa isang sistemang inuuna ang tubo kaysa sa interest at karapatan ng mamamayan.


Kasama namin kayo sa panawagang wakasan ang pang-aagaw ng lupa at land use conversion na pumapabor sa naghaharing uri. Ipinaglalaban natin ang tunay na reporma sa lupa na magtitiyak ng lupa para sa mga magsasaka at Katutubo na matagal nang dumedepensa dito. Ang laban para sa lupa ay laban para sa buhay, dignidad, at katarungan!

Comments


CONTACT US

National Council of Churches in the Philippines
879 EDSA, West Triangle
Quezon City, Philippines
​​
Tel: 8555-0818
Email: katribu.phils@gmail.com

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

© 2025 KATRIBU. All rights reserved.

FINAL Tangguyob DP.png
  • YouTube
  • TikTok

Follow Tangguyob, an innovative audio-visual platform dedicated to amplifying Moro and Indigenous Peoples' issues and campaigns in the Philippines, on Youtube & Tiktok!

bottom of page