top of page

Tumindig Kasama ang mga Abugado ng Katutubo, Abugado ng Bayan! 

  • Writer: Katribu Nasyunal
    Katribu Nasyunal
  • Jul 17
  • 2 min read

Kinokondena ng KATRIBU Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas ang North Luzon Mineral Resources Corp. (NLMRC) sa pagsasampa ng cyberliber complaint laban kay Atty. Fidel Santos at Atty. Edgardo “Edu” Balgos na legal na representasyon ng mamamayang lumalaban sa NLMRC sa Kasibu. 


Sukdulan ang kapal ng mukha ng NLMRC. Matapos nitong manghimasok sa lupain ng mamamayan nang walang tunay na konsultasyon at paggalang sa kanilang mga karapatan, ngayon ay pinupuntirya naman nito ang mismong mga abogadong nagbibigay ng legal na tulong sa mga komunidad na nilalabanan ang pang-aabuso ng kumpanya.


Walang batayan ang kasong ito dahil si Atty. Fidel at Atty. Edu ay kumikiling sa katotohanan, katarungan, at karapatan ng aping mamamayan, lalo ng mga komunidad na apektado ng dambuhalang pagmimina. Kaya taos-puso ang suporta at pagpupugay ng KATRIBU sa mga makabayang abugado na walang kapagurang naninindigan at sumasandig para sa karapatan ng mga Katutubo at mamamayan, partikular sa Nueva Vizcaya. Matatag silang kasangga ng mga Katutubo at iba pang mamamayan sa kanilang pakikibaka para sa depensa sa lupa, buhay, kabuhayan, at karapatan. 


Ang mga tulad ni Atty. Fidel at Atty. Edu ay niyayakap ng mamamayang Katutubo at magsasaka. Hindi biro ang ilaan ang buhay at propesyon para sa mga komunidad na nagangailangan ng ligal na depensa at tunay na pakikiisa sa kanilang pakikibaka. Lalo na sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr., kung saan laganap ang red-tagging, ang pagtatalaga sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao bilang mga terorista, ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mamamayang nakikibaka, at ang patuloy na pagpapairal ng pasismo sa mga komunidad at sa buong sambayanang Pilipino.


Aming pinagpupugayan ang kanilang walang sawang pakikiisa at matatag na paninindigan para sa karapatang-pantao, karapatan ng mga komunidad, at karapatan ng mga Katutubo. Ibasura ang gawa-gawang kaso sa mga abugado ng bayan!


Reference: Funa-ay Claver, Secretary-General

Comments


CONTACT US

National Council of Churches in the Philippines
879 EDSA, West Triangle
Quezon City, Philippines
​​
Tel: 8555-0818
Email: information@katribu.net

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

© 2025 KATRIBU. All rights reserved.

FINAL Tangguyob DP.png

Follow Tangguyob, an innovative audio-visual platform dedicated to amplifying Moro and Indigenous Peoples' issues and campaigns in the Philippines, on Youtube & Tiktok!

  • YouTube
  • TikTok
bottom of page